Sunday, October 16, 2011

NEXT ON VOV: Tutok ng Tumpok, a two-man show by Bryan Araneta and Rem San Pedro


Sa Tuktok Ng Tumpok

Katulad ng nasa taas, simulan natin sa Tuktok; Tuktok bilang isang sitwasyon o kalagayan na kung saan dito kaya nating gawin ang lahat ng naisin. Dito nakamit na ang kayamanan, kapangyarihan para pagalawin ang alin man, ituon ang atensyon sa nagnanais, kakayahang bumuo o sumira. Sa parang hindi nakakapagod. Kaya mong magpatakbo ng bisikleta ng hindi na humahawak sa manibela. Kung papasimplehin natin, magkakaroon lang ng isang tagapagbigay ng ideya at ng nakararaming tatangkilik nito.

Kaugnay nito ang Tumpok; Mga nagaakala at sumusugal. Pila-Pila, Tabi-Tabi, Paulit-ulit sa paghanap ng kasagutan kung panu umakyat. Nagtataasang kumakalam na bunganga, tinitingala ang mapangmatang nakahandusay sa ibabaw. Silang mga unti unting naglalaho. Kasabay ng oras hindi mo din sila mapapansin. Mga sunod-sunod na tanong ang kaugnay ng mga produktong sa oras na ito’y nagamit na ay kailangan mo na ring humanap ng mas higit pa. Patong-patong na katotohanan, na iisa katawan lang ang pede sa isang partikular na bagay.

Katulad ng lahat ng bagay sa mundo, kalakip ng isa ang isa. Hindi magkakaroon ng nasa tuktok kung walang malaking bilang ng nangangailangan. Kung walang Tumpok na nag-aabang sa basurang inihahain nitong nakaupo. Ang patuloy na pagkauhaw natin sa paulit ulit na bagay, unti-unti darami ang tambak na problema para magkaroon ng tambak na basura. Kasama ang akala nating problema. Walang katapusang pagnanasa para sa ating sarili.

“Gusto kong madagdagan ang kulay ng bahaghari… matagal ko nang ginawa.”

“Gusto kong madagdagan ang kulay ng sapatos… bukas nga makabili.”

Ang bawat isa sa mundo ang huhulma sa mga naririto. Ang pagkonsumo ng sobra pa sa pangangailangan ay parang tae, ilalabas din ng katawan pagkatapos magamit ang sustansya. Matapos ang buong proseso isang basura ang katapusan. Ang kawalan ng basura ay senyales ng pagtaas.


Tuktok ng Tumpok opening reception on October 21, 8pm at Vinyl on Vinyl Gallery.


No comments:

Post a Comment