Sunday, May 24, 2015

Sa Mata Ng Ating Kamalayan by Dennis Bato




Ang pisikal na kaaunyuan ng mga bagay na unang yumayakap sa ating pang-unawa ay napakalaking salik sa kung paano natin tignan ang lahat sa ating paligid, mga tao, mga bagay at higit sa lahat, kung pano tayo mamumuhay batay sa antas ng pamantayan na sumasaklaw sa ating lipunan.

Ang ilusyon na ating ginagalawan ay inilalatag sa atin ng panahon tulad na lamang ng palaisipang tumatakbo sa isipan ng mga tao, ang kinamulatang pamantayan na isa sa mga unang inuusig ng ating pang matang kamalayan.ano ba ang estetika o kagandahan? Nakakadagdag ba ito sa importansya ng isang bagay o tao? Sino ba ang nagdidikta nito? ang ating utak ba o nakakaapekto ang mga taong nakapalibot sa atin? mga artistang napapanuod natin sa telebisyon? Mga makabagong siyensyang kasangkapan na nakikita natin sa mga malalaking lathalaan sa kalsada? Mga usong kasuotan na nakikita natin sa "Internet"?

Ang sumusukob na maskara sa ating pagkatao ang unang nakikita ng mga mata ng mga nakapaligid, ang pisikal na kaanyuan na nagbibigay ng panguna’t huling hatol ng tao sa ating pagkatao. Ang mga tao ay likas na mapanghusga sa biswal na aspeto o kaanyuan dahil ito ang isa sa unang nahahagip ng ating pandama, inuunahan ng ating mga isipan ang pagbasa sa katangian ng mga ito base sa una nating nakita.

Ang indibidwal na persepsyon ng tao ang nagbibigay ng halaga sa mga nakikita nito, ang pagkakaiba-iba sa pagunawa ng tao ang sumasalamin sa interpretasyon ng importansya ng mga bagay bagay. Tayo ang nagbibigay ng paliwanag sa pangkabuohan na aspeto ngunit tayo lang din ang may hawak sa kung paano natin ipapakita sa ibang tao ang kahalagahan ng mga bagay sa paraan kung paano natin gusto nila maunawaan ito, sa pamamagitan ng pagbukas ng ating mga isipan, ang susi sa mata ng ating kamalayan.

“Sa mata n gating kamalayan” (In the eyes of our consciousness) question the invisible boundaries which our eyes and minds set base on what the typical society portray. The artist showcased 2d paintings given a different dimension with the use of stereoscopic 3d lenses to view the final imagery.

No comments:

Post a Comment