Tuesday, April 11, 2017

Featured Artist | Doktor Karayom




With Doktor Karayom’s show, “3 Hours” still up at the gallery, get to know the artist known mostly for his bizarre sculptures.

From the unapologetically phallic to the downright weird, Doktor Karayom is a 26-year old sculptor who hails from Cavite whose work pushes the boundaries of the shocking and strange.


--


Ako po si Doktor Karayom, 26 anyos, taga pasay city. Nagsimula yung paggawa ko ng sculpture dahil gustong gusto ko yung mga art toys na nakikita ko sa Vinyl on Vinyl, Secret Fresh at tsaka sa internet, tapos naisip ko na gumawa din ako ng sariling line ko ng toys kahit maliit lang. Nung nabuo ko yung GRADE 3 TOY nalaman ko na gusto ko pala mag ukit at mag hulma kaya sinubukan kong gumawa ng medyo malaki hanggang sa lifesize na. Masayang masaya ako pag nakikita ko yung mga drawings ko na nagiging totoo. Yung tipong nahahawakan ko na sya at hindi lang sya nakaguhit sa papel.






Raw, real, life, horror, drama.

--

Yan siguro yung sangkap ng kung ano yung ginagawa ko ngayon, base pa din sa paligid at sa pakiramdam tapos ay wala akong pakialam kung malinis. Gusto ko natural lang. Kung madumihan madumihan, kung masira masisira.
Para sa akin mas may karakter ang hindi perpekto.






Nagsisimula yung proseso ko palagi kapag wala akong ginagawa. Yung nakahilata lang o normal na naglalakad o bumabyahe. Kahit nasa banyo sabay boom! Bigla bigla na lang may papasok sa isip na concept tapos dahan dahan ko na tong hinihimay kung ano ba ito, bakit ko naisip yun, mga karagdagang impormasyun at ideya tapos ayun diretso na drawing, o sculpt at production, pero habang gumagalaw ako sa paggawa eh tuloy tuloy pa din yung paghihimay ko ng concept na yun hanggang sa maging solid sya. Kasabay ng pagtapos ko ng paggawa ng pisikal eh tapos ko din yung sa isip ko.

--

Sa paligid ako kumukuha ng inspirasyon, sa mga kaibigan ko, sa mga lugar na napupuntahan ko,
sa mga gamit na ginagamit ko, sa mga napapanood at naririnig, sa mga nakakain, sa mga naasusuot,
sa mga naiisip kong katangisip, sa lahat lahat na ginagalawan ng tao sa mundong ibabaw.






Yung creative influence ko ay sila na nagmulat sa akin kung paano ba lumikha, mangarap at maging mabuting tao.

--

Para sa akin yung greatest achievement ko ay yung mabuhay ako sa buhay na dati ay pinapangarap ko lang at maging kaibigan yung mga iniidolo kong tao.





Para sa lahat ng gustong maging successful sa anu mang creative field, wag ka tumigil sa paghahanap ng mga bagay na nagpapasaya sayo.

--

Spirit animal?

Philippine cockroach




No comments:

Post a Comment